Jun 12, 2010

73IB Joins Independence Day Flag Ceremony at Sarangani Provincial Capitol

On June 11, 2010, 73rd Infantry Neutralizer Battalion troopers led by the Battalion Commander joined officials and employees of Sarangani Province during the Flag Ceremony commemorating the 112th Philippine Independence Anniversary. In his message. LTC De Leon assured the people of Sarangani that the Philippine Army shall continue to be of service for peace and development, living up with the aspirations of its forefather - the Ejercito en la Republica de las Islas Filipinas, which was founded by the Katipuneros. (Photos by Cocoy Sexcion: http://www.sarangani.gov.ph/2872-112th_Independence_day.html)



Message of LTC Edgardo Yao De Leon
during the
Independence Day Flag Ceremony at Sarangani Province
Provincial Capitol, Alabel, Sarangani Province
11 June 2010

Honorable Governor Miguel Rene Dominguez, represented by the Provincial Administrator Camacho; DILG Provincial Director Jun Limpin; mga kasama sa lingkod bayan, Magandang umaga po sa inyong lahat.

            “Kalayaan: Tagumpay ng Bayan”. Ito ang tema ng ika-isandaan at labindalawang taong pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan. Kahit mahigit labing isang dekada na po ang lumipas, nasa kaalaman pa rin ng bawat Pilipino ngayon, bata man o matanda, ang kahalagahan tuwing sumasapit ang June 12. Ito ay dahil sa taon-taon nating paggunita sa Araw ng Kalayaan. Marahil may iba sa atin ang nagtatanong, bakit ba kailangan pa natin tumayo dito, mabilad sa araw, o maulanan, hindi naman araw ng lunes na syang schedule ng Flag Ceremony? Naitanong din kaya natin, na kung hindi natin binibigyang halaga ang araw na ito, sa paglipas ng ilang henerasyon, mananatili kaya sa isipan ng bawat Pilipino ang sakripisyo at kabayanihan ng mga ninuno natin para makamit ang kalayaan? 

            Ngunit ang tunay na katanungan sa araw na ito, ay kung ano ba talaga ang ating kaalaman tungkol sa ating Kalayaan? Ngayon ang tamang pagkakataon para ating gunitain ang mga mahahalagang kaganapan tungo sa paglaya ng ating bayan sa kamay ng mga dayuhan.

            Taong 1896 ng mag umpisa ang rebolusyon ng mga Pilipino laban sa halos apat na daang taong pananakop ng bansang Espanya. Dahil sa mga rebolusyonaryong panunulat ng ating pambansang bayani na si Dr Jose Rizal, binuo ni Andres Bonifacio ang Katipunan upang lumaban sa mga Kastila.

Naging matagumpay ang pag aalsa ng bayan laban sa mga Kastila. Nagkaroon ng armas ang mga Katipunero na syang naging simula ng hukbo ng Pilipino. Kaya noong Marso 22, 1897, itinatag ang rebolusyonaryong pamahalaan ng Pilipinas, kasabay ang pagtatatag ng Philippine Army na nakilala bilang “Ejercito en la Republica de las Islas Filipinas” (Army of the Republic of Philippine Islands).

Sa pangunguna ng walong probinsya sa Luzon, nagtuloy-tuloy at nagging matagumbay ang laban ng mga Pilipino laban sa mga Kastila sa Luzon, Visayas, at dito sa Mindanao. Kaya nung June 12, 1898, idineklara ni General Emilio Aguinaldo sa Kawit, Cavite ang ating Kalayaan sa kamay ng mga Kastila.

Doon unang itinaas ang ating bandila na ginawa sa Hong Kong ng tatlong Pilipina (Marcela Agoncillo; Lorenza Agoncillo; Delfina Herboza) at inawit ang “Lupang Hinirang” na isinulat ni Julian Felipe. Ating tanawin an gating bandila. Laman nito ang makulay na kasaysayan ng ating Kalayaan. Ang puting trayangulo ang simbulo ng Katipunan na syang nagging Philippine Army na lumaban sa mga Kastila. Ang tatlong bituin o star ay simbolo ng Luzon, Visayas, at Mindanao na sama samang nag aklas, at ang walong sinag ng araw ay patungkol sa walong probinsyang nanguna sa pakikipaglaban.
Ang ating bandila ay tunay na simbolo ng Tagumpay ng Bayan. Kaya marapat lamang na sa ating paggunita ngayong taon an gating Tema, Kalayaan: Tagumpay ng Bayan. Ipagpatuloy natin ang adhikain ng ating mga pinuno sa kanilang pakikipaglaban para makamit ang kalayaan at tagumpay ng ating bayan. Tayo ay magtulong tulong tungo sa pagkakaisa at pag unlad. Ipagpapatuloy ng Philippine Army ang pagiging hukbo ng sampayanang Pilipino na nakikipaglaban para sa katahimikan at kaunlaran.

Upang tayo ay magtagumpay, kailangan natin ng pagkakaisa. Pagkakaisa na naging susi n gating mga ninuno para makamit ang ating paglaya. Pagkakaisa rin ang magiging daan sa katahimikan at kaunlaran ng ating bayan.

Mabuhay ang Kalayaan! Mabuhay tayong mga Pilipino!
 

No comments:

Post a Comment